Friday, December 4, 2009

GLORIA 4 CONGRESS



Administrasyong Arroyo
Kung merong isang administrasyon na pinaka gumawa ng pinaka malaking hakbang tungo sa Pagbabago ng 1987 konstitusyon ito
ay ang pamahalaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.Pinak tulakan ni Ginang Arroyo na maamyendahan ang saligang batas.Noong
2004 eleksyon ay ginawa niya itong una sa kanyang plataporma.Matapos siyang manalo ay agad siyang gumawa ng hakbang isa na dito
ay ang Executive Order No. 453 na gumawa sa Consultative Commission na pina mumunuan ni Jose V. Abueva. Layunin nito ay ang
konsultahin ang ibatibang uri ng sektor sa lipunan kung sang ayon ba sila sa naturang panukala at kung ano-ano ba dapat ang babaguhin sa 1987
na Konstitusyon.Gaya ng mga nag daang mga administrasyon Kaunlaran ang ipinapangako ng naturang panukala ngunit habang isinusulong ito
ni ginang Arroyo kabi-kabila naman ang batikos ang kanyang inani mag mula sa kanyang kritiko hanganga sa iba't-ibang sektor ng lipunan.
Ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Ginang Arroyo at kinailangan niya ang tulong ng dating House Speaker nasi Jose de Venecia, Jr. na kilalang malapit
sa administrasyon.Plenano niyang isulong ang Charter change sa House of Representatives of the Philippines o Kongreso at sa Senado sa pamamagitan naman
ng Constituent Assembly o Con-Ass ngunit dahil sa pinag sanib na pwersa ng mga militanteng grupo , Bayan, Iglesia ni Cristo, El Shaddai movement
at Jesus is Lord Movement napawalang bisa ang plano ni Speaker De Venesia. Maka lipas ang ilang araw isinulong nanaman niya ang constitutional convention o con-con
at sa muling pagkakataon siya ay nabigo dahil walang sumang ayon sa kanyang plano maliban sa mga maka administrasyon.
Makalipas ang dalawang taon nag karoon ng lamat ang samahan nina Presidente Arroyo at House Speaker Jose de Venesia Dahil sa NBN-ZTE deal.
Kaya noong February 5, 2008 ipagbotohan ng mga kongresista nasiya ay patalsikin sa pwesto at humalili sa kanya si Prospero Nograles.
Hangang ngayon tila walang sawa ang pamahalaan sa pag sulong ng

PILIPINAS NGAYON!



Bakit ba ganun nalang ang pag nanais ng pamahalaan ngayon na baguhin ang ating constitustion? At ang mas naka gugulat pa bakit sa tuwing magpapalit at magtatapos na ang pamunuoan ng isang pangulo ay lumulutang nanaman ang issue tunkol sa chacha? Anu ngaba itong chachang ito?
Ang Cha-Cha o kilala rin sa bansag na charter change ay isang politikal na hakbang o proseso para amiendahan at baguhin ang 1987
Konstitusyon ng Pilipinas may tatlong paraan para amiendahan ang konstitution ng Pilipinas ito ay
ang mga sumusunod ang people's initiative (PI), constituent assembly and constitutional convention.
sa mga nabangit ang peoples initiative ang pinaka popular.

Anu nga ba ang layunin ng charter change? Ang layunin nito ay ang pagbabago sa ating saligang batas
para mapalitan ang ating 1987 konstitution, kung saan ang ating saligang batas ay naka batay ngayon. Pag napalitan na ang konstitution ay maaari nang mapatupad ang term extention.Ang
Term extention ay ang pagpapapa lawig ng kapangyarihan ng kasalukuyang Rehimen upang mamuno pa ng mas matagal.
Para sa isang panguluhan kung tapos termino ng isang pangulo ay hindi na dapat pang tumakbo bilang pangulo.Dahil din dito sa term extention na dulot ng charter change maari na silang
tumakbo sa titulong prime minister dahil pag naipatupad ang Cha-Cha ay maari nang palitan ang uri ng ating pamunuan,
O di naman kaya ay maari nang ipatupad uli ang Batas Militar o Marcial Law na una nang napatupad noong rehemeng Marcos.
Ayon sa iilang political analist kung maipapatupad ang ChaCha ay lalala ang kahirapan dahil lalakas ang hawak ng gobyerno sa
pagmamanipula ng budget ng pamahalaan at ang 60-40 na hatian ng pagmamay ari ng Mga Dayuhang kumpanya ay magiging 100 porsiyento.
sa madaling salita ay maari na nilang manipulahin ang kalakalan sa Pilipinas pero ayon naman sa Pamahalaan ay makabubuti daw ito sa ating economiya para madaling umunlad ang pilipinas!
kung mag kaganun ay tila dihado si Juan dela Cruz sa kanyang sariling bansa!

Mga Pag Tatanka ng charter change
Administrasyong Ramos;
sa administrasyong ni Fidel V. Ramos ilang beses niyang isinulong ang pag papalit ng ating saligang batas sa
sa pamamagitan ng peoples People's Initiative binalak niyang gawing Parliamentarya ang sistema ng ating batas
sa ilalim ng parliamentarya ay mag kakaroon ng term extension para sa lahat ng opisyal ng Administrasyong Ramos
ayon kay Ramos ay mababawas daw ang kurapsyon sa Pilipinas kung maamyendahan ito ngunit maraming nag protesta
sa panukalang ito umabot nga sa kalahating milyong tao ang nag rali para pigilan ang itong hakbang ni Presidente Ramos
Hagang ibinaba ng Corte Suprema ang desisyon at ipinawalang bisa ni Chief Justice Andres Narvasa ang mga Lagdang nalikum
ng naturang administrasyon.

Adminisrasyong Estrada
Sa panahon ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada Binalak di niyang baguhin ang salingang batas sa pamamagitan ng
prosesong binansagang CONCORD o Constitutional Correction for Development. Ang munkahing ito raw ang siyang mag papalakas ng econumiya ng Pilipinas
dahil sa papalakin nito ang karapatan ng mga Dayuhang mamumahunan sa Pilipinas na mag may ari ng mga lupain at iba pang uri ng komersyo.
Sa kasawiang palad ang munkahing ito ay hindi nanaman nag maliw sa kadahilanan na hinarang ito ng mga maka oposisyon at sinasbing ito daw ay
para lamang sa interes ng iilang pulitiko.

Related Posts with Thumbnails
Photobucket Photobucket

BEDSANDAG

News & Journalism - Top Blogs Philippines

Total Pageviews

Bağlantılar

Politics & Government - Top Blogs Philippines
All the images & videos that appear on the site are copyright of their respective owners.

Furthermore, when content falls under "Press Statement," this shall mean that the article came directly from the Company itself.

PINOY POINT simply provides the information due to Company's requests and for readers who may be interested.

PINOY POINT Shall claim no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the articles, images or videos and do not wish them to appear on the site please contact us and they will be promptly removed.
Design by araba-cı | MoneyGenerator Blogger Template by GosuBlogger